
I am not good at much, but I will be good to you.
(Source: towritepoems)

Kuya, wag mo ko kaawaan ha. Sundin mo lang yung puso mo. Kung san makakapag stay ng ngiti mo sa bawat pagsubok na pagdadaanan mo. Smile! Ayon nga kay matt, Keep the faith!
Hi kuya! I missed you! Kahit wala kong karapatan mag sabi niyan. Teka, meron pala, friends naman tayo diba. :) Hi kuya, effort to oh!!! Hahaha joke lang. Kuya, sorry talaga ha. Sorry din kung puro sorry nalang ako. Tsaka kung hanggang sorry nalang ako. Di ako makaisip kung pano ako babawi. Pero sana malaman mo, bawat sorry ko, seryoso at galing sa puso. Nagsisisi na po ako sa aking malaking pagkakamali. Nung una, naisip ko, bat pa ko magpapaka lakas-loob kung ang pangit pangit na ng tingin mo sakin…Pero mas pangit naman kung hindi man lang ako marunong mag sorry o bumawi, kaya nagawa ko to. Siguro iisipin mo, 0% effort nilalaman ng blog na ‘to :( Sorry kuya kasi hanggang ganto lang eh. Di naman pwede sumugod ako ngayon diyan sa Pampanga, baka di pa ko maka abot. Mamatay pa ko otw. Hahaha. Kuya, wala na ba talaga akong magagawa? Masyado ba kong makulit para tanungin yan paulit ulit? Wala na ba kong maibabawi sayo? Kuya, alam kong nakasakit ako ha. Pero sana alam mo, na pinagsisisihan ko yun ng sobra!!!!!!!!!!! as in!!!!!!! Kung gusto mo sabihan mo pa ko ng masasamang salita, kasi i deserve it! Napaka walang hiyang tao ko rin kasi. Napaka bait mo sakin tapos gaganunin lang kita. Diba diba? Na misplace ang aking bibig at kung ano ano na pinagsasasabi. Pero kuya, kung ikaw, sabihan mo ko ng nakakainis, nakakairita, napaka walang kwenta, di ko iisiping iwanan ka. Kasi alam ko, di ko din naman kaya. Diba di ko kaya? Di ko kaya magsumbong kay ano di ko kaya magsabi kasi alam ko di ko din kaya yung kalalabasan. Kaso nga lang, ako naman tong di marunong magpahalaga. Kuya, di ako naninisi, di ako namimilit, di ako nangaaway ha? Kahit anong maging desisyon mo, okay lang! Kasi mahal kita, at kung san ka sasaya, dun ako, syempre! Kung wala na talaga, edi wala na. Ako din naman may kasalanan, wala na kong maiaangal pa. Pero thank you! Thank you sa lahat lahat. We’ve made a lot of memories. Hinding hindi ko yon makakalimutan. Pero syempre, lalo na ikaw. Kasi maniwala ka o hindi, ikaw lang nagsabi na maganda ako sa mga oras na haggard ako, na maganda ako pag na tali yung buhok, maganda pa rin ako kahit anong mangyari. Sayo ko natutunan kung pano tanggapin sarili ko, kung pano mahalin sarili ko. Kaya thank you! Marami din ako natutunan sayo. Naaalala ko tuloy nung dina-down mo lagi sarili mo. Wag ka na ulit magda drama ng ganun ha? Kasi kahit anong mangyari, kahit di na ako maging part ng future mo, tandaan mo, isa ako sa naniniwala na kahit anong maging itsura mo, bawing bawi ka naman sa ugali mo. Kahit masagasaan ka ng jeep, mahulog sa eroplano, mabangga ng truck, wag naman sana, pero tanggap parin kita kung sino ka. Ikaw na nagsabi, ikaw parin yun eh! Ikaw parin yung jansen na minahal ko, kahit sinasabi pa nilang nauna mukha mo. Sabihin mo nalang, wag nilang pakielaman mukha mo dahil may mukha rin naman sila. :) Kuya nabura mo na lahat ng photos ko dyan no? Pati yung 2x2 tsaka grade 2 ID ko siguro tinapon mo na. Yung akin nasakin pa! Wala kong balak itapon yon. Sige yun lang po, I love you!! Super!!
040313

Kuya ang swerte swerte ko na sayo, di ko alam kung bakit ko pa nagawa kang saktan. Pero kuya, kahit anong mangyari, isa pa rin ako sa humahanga sayo. Napaka bait mong tao. Huwag mo nang pansinin yung mga nanglalait sayo ha! Wag mo i-down sarili mo dahil sakanila. Kasi kahit ipagtabuyan mo na ko sa buhay mo ngayong oras na to, di parin magbabago tingin ko sayo. Mahal na mahal kita alam mo yan! Kahit ganyan ka. Kahit siraan ka pa nila sakin, mas kilala pa rin kita. At tanggap na kita ng ganyan. :)

Kuya, sorry! Puro sorry sorry sorry. Puro sorry nalang ako. Nakakasawa na ba? Kuya chance naman oh. Di ko naman ginusto yung nangyari, sana di ka galit sakin :( Alam ko napakasama kong tao para sabihin yun, nagawa ko pang sirain yung tingin mo sa akin. Di ko po sinasadya. I’m sorry for being straightforward and having my words misplaced.
(Source: little-blackbook)

Oo mahirap akong kasama. Di ako matino kausap. Madaling magalit. Madaling mainis. Nakakainis. Nakakairita. Nakakaturn off ugali. Sorry na ha ganto kasi ako. Di ko naman ginusto maging ganito eh, pero sana matanggap mo ako kung sino ako.
(Source: wonderfulsenses)

Hi kuya! Look, I tried! Kasi ako naman may kasalanan. Nagbago pa tingin mo sakin. Wala na ba talaga akong magagawa? :( Pero sige, okay lang. Di ko naman to ginawa para magpaka desperada. May gusto lang naman ako iparating eh. Eto nga lang kaya ko :( Di ko kasi alam kung pano gagawin ko eh, kung marunong lang ako magcommute, baka next week mapuntahan pa kita sainyo. Kahit di mo pa ko papasukin, mapakita ko lang na kung gaano ka kaimportante sakin. Kahit di to umubra, okay lang. Di naman ako namimilit.

Whenever I feel insecure, I’ve always said I was fat. But to you, I wasn’t. I never loved myself just like you did. No one ever did.
I can’t think of a plan to put efforts on. This is all I could do. I think this is a bad idea. “Pano kung di umubra?” sabi nung brain ko. Nako okay lang yun, basta masabi ko lang na mahal ko siya, kahit di na mababalik pa, kahit gaano pa kasakit. sabi ko.
(Source: likeafieldmouse)